pinasok ko ang iyong mundo.
hiniram kang panandalian.
sa saglit na oras muli kang nakasama.
sa saglit na oras muli ika’y namasdan.
Pinaliwanag laman ng baol ng luha.
Binigyan ako ng lobong aking makakapitan
Pinilit ipilit ang kalumanayan,
Ating oras aking binilang.
subalit dumating ang katoto.
nawala ang hangin at ako’y ‘ni ‘di makahinga.
Dyan sa mundo mong kahit kaila’y di ko mauunawaan.
sa mundo mong di ko kahit kailanma’y magagamay.
Ngayo’y minasdan ka sa sining mong taglay.
Iyong mata ay sabik at lunod ng pag hanga,
At kung ika’y nilason ng musika
Hayaang gamutin ka sa sarili mong pag-indak.
Salamat sa iyo,
Salamat kaibigan.
Salamat sa pag-unawa
Salamat aking mahal.
Posted on Friday, 13 January 2012